BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Sunday, July 18, 2010

Napakaraming Kagustuhan.

Napakarami kong gustong gawin.

Well, sa sobrang dami parang tinatamad na ako. Tsaka hindi ko alam kung saan magsisimula eh. Ba't ganun, sa ibang tao, ang daling sabihin na "simulan mo sa pinakamadali" pero kapag sa sarili na, yung "pinakamadali" pa yung nakakatamad gawin.


So ayun. Physically gusto kong...

1. Magpalaki ng katawan at magwork-out. Ewan ko ba, kumakain naman ako palagi. Pero 'di ako tumataba. Haha. Iniisip ko nga na baka tumaba na rin ako dahil ngayon nagsisimula na akong magtrabaho.
2. Magpa-braces. Kasi sungki yung bottom-row teeth ko. Two teeth lang naman. Hehe.
3. Magpasuri sa dermatologist. Kasi may skin allergy ako na sobrang nakakainis.

Sa ibang bagay, gusto kong...

4. Magvideoke madalas. Haha kahit di naman ako magaling kumanta trip na trip ko lang magvideoke. Pamparelax sa stressful events sa work life.
5. Mag-aral ulit. Pinag-iisipan ko pa rin kung kukuha ako ng new degree or Master's degree. Pero syempre kailangang mag-ipon muna.
6. Magtrabaho abroad. Sabi ko sa sarili ko dati, hinding-hindi ako magtatrabaho abroad. Pero sa ngayon kailangan ko ng pera. At kung sa ibang bansa ako magtatrabaho, baka mas marami pa akong makuhang pera (sweldo) kumpara dito. Pero kung matutuloy nga 'to, mag-iipon lang muna ako. Gusto ko pa ring magtrabaho sa Pilipinas.

OK, given na ang mga kagustuhan ko. Pero sobrang tamad ko para gawin lahat yan. Haha. Kumbaga sa ngayon kinukulang ako sa disiplina. :))


...at yun muna ang kagustuhan ko sa ngayon: disiplina x10.

0 comments: